Sabi sakin ng English prof. ko dati…
“Rejection is the worst thing you can do to someone who’s admiring you”
Wala naman kasi sa rules na magkakatuluyan kayo ng taong mahal mo. Paano naman yung mga taong may lihim palang pagtingin sayo? Wala ka man lang bang gagawin para madevelop or tingnan kung magwoworkout ba? Diyan na papasok ang issue ng rejection.
Karaniwan na kasi sa panahon ngayon na kung gusto mong maramdaman ng isa na may gusto ka sa kanya, you have to do something. Isang bagay na gigising sa kanya. Ano pa nga ba yun? Edi yung pagsabi sa kanya ng nararamdaman mo. Uso na kasi sa panahon ngayon ang manhid at manhidmanhiran. Kaya kung aasa ka lang sa pagpaparamdam, mamamatay kang naghihintay. Ano nga bang meron sa pagiging manhid at trip na trip ng iba na magpakaganito?
Kapag nagconfess ang isang tao sa’yo na mahal ka niya, diyan na papasok ang tamang paraan para di ka makasakit ng iba. Rejection: Isang bagay na magagawa mo sa taong di mo gusto pero gusto ka. Masama yan kasi di mo man lang siya binigyan ng “chance”. Kasalanan niya bang magkagusto siya sayo? Kasalanan niya bang mahalin ka niya? At sino ka para mangreject? Ang “Ironic” no? Ang dami-daming tao ang humihiling na sana may magkagusto sa kanila, pero kapag dumating na yung oras na napaunlakan ng mga diyos at diyosa ang kahilingan niya, tsaka siya uurong.
Ilugar mo yung sarili mo sa katauhan ng taong umaamin na may gusto siya sayo. Ngayon, try mong lasapin ang sakit kapag sinabi mong “Di pwede, di kita gusto…” Anong pakiramdam? Ayan, kaya maraming mga tao ang umaasa na lang sa isang bagay na kahit hindi na nila ginagawan ng paraan, okay lang sa kanila. Ayaw kasi nila masaktan. Ang sama din naman kasi ng dating na, ikaw na nga tong may isang tao na nagkakagusto sayo, tapos irereject mo. Bakit? Masaya kang nangrereject ng iba? Tapos, kung sino pa yung naglakas ng loob para umamin…sila pa yung masasaktan.
Pero naisip ko din na hindi lang naman puro sakit ang mararamdaman mo kapag nareject ka. Minsan, may mga bagay na sa una lang masarap, sa una lang masakit. Kumbaga, kung mareject ka man ng taong mahal mo, masakit talaga yan. Kalaunan, sasaya ka din. Sa una lang naman lagi ang sakit at kapag nakalimot ka na, tatawanan mo na lang sarili mo.
Minsan kailangan mo ring mangreject para di na umasa yung isang taong yun. Sayang yung mga panahong masaya sana siya. Sayang yung mga nasayang na oras niya. Mas okay na atang mareject sa una pa lang kesa sa pinatagal nang pinatagal, ang dami nang mga masayang moments, tapos dun din pala magtatapos ang lahat. Pero syempre, Proper rejection. Isipin mo rin naman na tao lang din yan.
Hindi naman masamang humindi o tumanggi sa isang bagay pero dapat gawin mo yan nang may tamang paninindigan at sapat na respeto.
Ilugar mo ang sarili mo sa katauhan ng isang tao. Tsaka mo tanungin ang sarili mo, “Kapag ginawa ko ba to sa kanya, anong mararamdaman ko?”